Home
Volunteer
News & Features
Home » News & Features
31 January 2019 Volunteer

Written by: Marc Jhon Tompar

By Marc Jhon Tompar
VIDA Volunteer from 16 October 2016 to 31 December 2018
Mindanao Tri-people Youth Center

Buhay Volunteer,
Ito ay sakripisyong career.
Tumutulong ka sa iba
na walang bumabalik sayo kahit barya.
Halos wala kang makukuhang kapalit na material
Pero sa simpleng pagtulong,
sa bawat “salamat” na maririnig ay ligaya
na nakakataba ng puso.
Lalo na kung ang pasasalamat ay may halong luha
na hindi mo maipaliwanang ang iyong madadama.

Ang tao ay kailangan mong intindihin at
sa konting pag-intindi mo sa kanila’y
ligaya at tuwa ang iyong makikita.
Sa konting oras na ibibigay mo sa kanila
makikita mo sa kanilang mukha kung gaano sila kasaya.
At sa lugar na iyong mapupuntahan,
sa bawat tao na iyong makwekwentuhan at
sa bawat groupo o organisasyon na iyong
maabutan ay tiyak na marami
kang matututunan.

Marami mang pagsubok ang darating
mag boboluntaryo parin!

Share |