Home
My VIDA Journey
News & Features
Home » News & Features
24 January 2018 My VIDA Journey

Written by: Thristine Jay A. Dulang

By: Thristine Jay A. Dulang
VIDA Volunteer
Nagkiusang Organisasyon sa Mangingisda sa Tubod ug Baroy (NOMATUB), Inc., Lanao del Norte
January 3, 2017 – December 31, 2018

Isang simpling pamumuhay ang gusto,
Masaya na pamilya, marangal na trabaho,
Pero sa panahon ngayon kulang pa rin ito,
Nadagdagan pa ng kalamidad na ang dahilan ay tao.

Maraming pamilya ang nahihirapan,
Sa mga sakuna na nararanansan,
Lahat apektado pati ang pangkabuhayan,
At iyan ang aking dahilan.

Pinasok ko and pagbubuluntaryo,
Para makatulong sa kapwa tao,
Kahit sa simping tulong akoy maging instrument,
Na maka-ahon sila sa isang delobyo.

Kahit anong trabago aking kinakaya,
Kahit gaano kahirap aking ginagawa,
Kaya pag may trainings akoy pumupunta,
Para pagbalik sa komunidad maaaply ko.

Kumunidad, kapaligiran na aking iniingatan,
Mula sa pagtanim hanggang sa paglaki aking po-protektahan,
Protektahan laban sa mga abusadong mamamayan,
At yan ang aking maitutulong sa inang kalikasan.

Sabi ni Dr. Jose Rizal, ang kabataan ang pag-asa,
Pag-asang maka-ahon sa hirap and baying sinisinta,
Dapat pagtulungan natin na mamulat sila,
Na mamulat sa reyalidad at hubugin ang kaalaman nila.

Kapayapaan ang hangad nating mga Pilipino,
Hindi imposible na makakamtan natin ito,
Na Lumad Kaman, Moro o Kristiyano,
Basta wag lang nating apakan ang karapatan ng bawat tao.

Kahit anong mangyari ipagpatuloy ko ang laban,
Para maging instrument ako sa mamamayan,
Lalong-lalo na sa kapwa ko kabataan,
Gagawin ko ang lahat para sa ating bayan.

Share |